Shared Service Facilities Project ng DTI para sa Suman Production and Packaging, inilunsad sa Baler
Dinaluhan ni Punong Bayan Rhett Angara, ang launching ng Shared Service Facilities (SSF) Project ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa Suman Production and Packaging, ng Samahan ng Magsusuman ng Baler (SMB).
Nagkakahalaga ng Php 453,690.00 ng equipment ang naipagkaloob sa mga sumusunod na samahan:
* 1 unit Commercial Vacuum Sealer
* 4 units chest type freezer
* 1 unit electrical steamer
* 1 planetary mixer
* 2 units stainless working table
* 1 unit cooling rack with trays
* 1 unit cassava grinder
* 1 unit coconut grater
* 1 unit expeller/presser
* 2 units heavy duty LPG burner with accessories
Kabilang din sa dumalo at nagbigay ng mensahe sina Kapitan Michael Capin ng Barangay Buhangin, Mr. Aldrin M. Veneracion, OIC-DTI Provincial Director, Ms. Danica Marion P. Gorospe, SSF Staff at Ms. Charito Bernardino,presidente ng SMB.
Kasama rin sa nasabing launching si MAO Susana Rutaquio.
Ulat ni Daceryll Rivera