Mahigit 100 libong taga Maynila, nagpa-rehistro para magpabakuna kontra COVID-19

Lalo pang tumaas ang bilang ng mga residente sa Maynila na gustong magpabakuna kontra cCOVID-19.

Sa pinakahuling datos, nasa 111,456 na ang nagpa pre-register sa online registration site na Manilacovid19vaccine.com.

Ang mga nagpatala ang susunod na magiging prayoridad ng Manila LGU na mabigyan ng bakuna sa oras na matapos nang mabakunahan ang nasa priority sector ng pamahalaan.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, malaking bagay rin ang pagpaparehistro sa nasabing website dahil makakatulong ito para mapabilis ang proseso ng pagpapabakuna.

Muli namang nilinaw ng alkalde na boluntaryo ang pagpapabakuna at hindi sapilitan.

Una rito, lumagda sa isang tripartite agreement ang Manila LGU para sa pagbili ng 800 libong doses ng Astrazeneca vaccines na sapat sa 400 na libo katao.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: