MRT, LRT at PNR, may suspensyon ng operasyon simula March 30- Abril 4
Magsasagawa ng ilang araw na maintenance at rehabilitation activities ang mga Rail lines ng bansa.
Sa advisory ng Department of Transportation (DOTr), sinabi na mula March 30 hanggang April 4 ay suspendido ang operasyon ng Metro Railways Transit (MRT-3).
Mula March 31 hanggang April 4 naman ay tigil operasyon naman ang Light Rail Transit-1 at 2.
Habang ang Philippine National Railways ay suspendido ang operasyon simula April 2 hanggang 3.
Sinabi ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati, isa sa gagawing maintenance ay ang pagpapalit ng mga turnout parts para sa depot tracks ng railway.
Magsasagawa rin ng rehabilitasyon para sa power supply at install equipments, cable-laying, at iba pa.
Magbabalik ang operasyon ng MRT-3, LRT-1 at 2 sa April 5.
Ang PNR ay bahagyang magbabalik-operasyon naman sa April 4 partikular ang Tutuban-Alabang and vice versa, Tutuban-Calamba and vice versa, Tutuban-Gov. Pascual and vice versa, Gov. Pascual-Bicutan at vice versa, and Naga-Sipocot at vice versa.
Pero ang full operation ng PNR ay magbabalik ng April 5.