Cagayan, nakapagtala ng 37 nagpositibo sa COVID-19
Tatlompu’t pitong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Cagayan nitong Martes.
Ayon sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng Provincial Health Office ng Cagayan, kabilang sa mga ito ang 11 empleyado na karamihan ay healthcare workers at non-health related staff ng isang pampublikong ospital, sa lalawigan ng Cagayan.
Bunsod nito ay nanawagan sa publiko si Governor Manuel Mamba, na hanggat maaari ay huwag nang bumalik sa mas mahigpit na quarantine protocols ang lalawigan kasabay ng kanyang kahilingan, na huwag magpakampante lalo na at apektado nang husto ang healthworkers na siyang nag-aasikaso sa mga pasyente.
Sa ngayon ay 532 na ang kabuuang bilang ng active cases sa lalawigan.
Ang lungsod ng Tuguegarao pa rin ang may pinakamataas na naitalang kaso na umakyat pa sa 333.
Patuloy pa ring hinihikayat ng gobernador ang publiko na maging maingat at laging isagawa ang health safety protocols sa lahat ng oras.
Ulat ni Nhel Ramos