Aktibong kaso ng COVID-19 sa Biñan City, Laguna, lagpas na sa 200
Patuloy pa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Biñan City, Laguna.
Sa pinakahuling tala ng Binan City Epidemiology & Surveillance Unit, kabuuang 221 na ang aktibong kaso ng COVID sa lungsod.
Ito ay makaraang madagdagan ng 25 bagong kaso ng nahawahan ng virus ang Biñan.
Pinakamaraming active cases ang Barangay Langkiwa na 58.
Sumunod ang Barangay Santo Tomas na may 41 COVID positives, at pangatlo ang Barangay Canlalay na may 23 kaso.
Walo naman ang naitalang bagong recoveries kaya umabot na sa 2,152 ang gumaling mula sa sakit.
Samantala, ipagpapatuloy ngayong Huwebes ang pagbabakuna sa mga medical frontliners sa Biñan City matapos matanggap ang panibagong batch ng COVID vaccines mula sa DOH.
Moira Encina