IATF hinimok ng makipag ugnayan sa mga local government officials para ma kontrol ang pagkalat ng virus
Hinimok ng mga Senador ang Inter agency task force na regular na makipag ugnayan sa mga local government officials para mabilis na makontrol ang pagkalat ng virus.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na ang mga alkalde ang mas nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang nasasakupan.
Dito aniya malalaman kung tugma ba ang ipinapatupad na patakaran ng iatf sa kasalukuyang sitwasyon ng mga munisipalidad.
Hindi naman pabor si Gatchalian na buwagin ang iatf dahil ito ang pangunahing tumutugon sa pandemya.
Iginiit naman ni Senator Angara na sa halip na buwagin, dapat magdagdag ng statisticians at data analysts sa IATF.
Ito ay para madaling matukoy ang mga lugar na potensyal na tumaas ang covid case para agad na makakilos at hindi na humantong sa krisis.
Meanne Corvera