California, magbibigay na ng bakuna sa lahat ng adults sa kalagitnaan ng Abril
LOS ANGELES, United States (AFP) — Gagawin nang eligible ng California ang lahat ng adults para sa COVID-19 vaccines, mula April 15. Ito ang inihayag ni Governor Gavin Newsom, matapos lumuwag ang supply restricions sa pinakamataong estado sa US.
Ibig sabihin, ang California na tahanan ng may 40 milyong residente ay magbibigay na ng bakuna sa lahat ng lampas 16 ang edad, may dalawang linggo bago ang May 1 deadline ni US President Joe Biden.
Ayon kay Newsom . . . “With vaccine supply increasing and by expanding eligibility to more Californians, the light at the end of the tunnel continues to get brighter.”
Ang California ay tinamaan ng isang matinding winter COVID-19 spike, at nakapag-ulat ng pinakamaraming infections at pagkamatay sa alinmang US state dahil sa laki ng kanilang populasyon, ngunit ng bilang ay mabilis na bumaba nitong mga nakalipas na linggo, nang bumilis ang roll-out ng bakuna.
Unang nagging eligible sa vaccine simula noong April 1, ang lahat ng Californians edad 50 o higit pa, pagkatapos ay bubuksan na ito sa mas malawak na populasyon, dalawang linggo makalipas ang naturang petsa.
Sa kasalukuyan, ang eligible individuals ay dapat na 65 anyos pataas ang edad, dapat din na sila ay essential workers o nakararanas ng severe underlying health conditions, bagama’t may ibang mga bansa na nagtakda ng sarili nilang mga panuntunan.
Ayon kay Mark Ghaly, California health secretary . . . “We are even closer to putting this pandemic behind us with today’s announcement and with vaccine supplies expected to increase dramatically in the months ahead. However, we are not there yet. It will take time to vaccinate all eligible Californians. During this time, we must not let our guard down.”
Sa ngayon, ang estado ay nakapagbakuna nan g halos 16 na milyong vaccine doses.
Sumunod ang California sa iba pang mga estado na nag-anunsyo ng vaccine availability para sa lahat ng adults kabilang ang Alaska, Mississippi, West Virginia, Arizona at Texas.
© Agence France-Presse