Aquarium Fish Industry
Finding Nemo, Finding Dory! Mga cartoon movie na pumatok sa takilya. Naging paborito ng mga bata at ng buong pamilya. Sino ba naman ang hindi matutuwang panoorin ang mga pelikulang ito? Talaga naman sobrang kaaya-ayang pagmasdan ang napakagandang kulay meron sina Nemo at Dory, isang clownish at royal blue tang. Naisip n’yo bang mag-alaga ng tulad nila? O kaya naman ay gawin itong pagkakakitaan? Ang aquarium fish industry. Ano nga ba ang aquarium fish industry? Ayon kay Mr. Gregg Yan, Executive Director ng Best Alternatives. Ilang siglo na ang nakalilipas isa pa rin sa pinakapopular na hobbies ang pag-aalaga ng isda. Maging sa panahon ng mga Romano hilig na nilang mag alaga ng mga isda dahil sa mga kulay na meron ito. Ang aquarium fish industry ay napakalaki ng market, noong 2018 tinatayang nasa 5 bilyong U.S dollars ang market value. Sa Pilipinas, patuloy na lumalaki ang ornamental fish industry sa lokal na merkado dahil maraming Filipino ang interesado sa fishkeeping hobby. Hindi lamang sa nakapagbibigay ito ng kasiyahan sa paningin sa bahay, may maganda ring benepisyo ito sa kalusugan.
May ibat ibang uri ng isda ang nabubuhay sa 3 klase ng tubig, mga fish sa fresh water at kung ikaw naman ay mahilig sa seafood andyan ang mga saltwater fish, may mga isda gaya ng Kanduli at Managat na pwedeng mabuhay sa kalahating tubig tabang at kalahating tubig alat o tinatawag na brackish water. Isang halimbawa ng brackish water ay ang Pasig River. Samantala, pinakamahirap alagaan ang nakatira sa saltwater dahil sa laki ng karagatan hindi sila adaptable sa pagbabago ng water conditions. Hindi katulad ng mga isdang nakatira sa tubig tabang mas adaptable ito… kaya, kung ikaw ay Fishkeeper mahalaga na nababantayan ang mga isda. Madaling dumumi ang tubig ng nasa aquarium dahil sa pagkaing ibinibigay. Malalaman din kung kulang ang oxygen level sa fish tank kung ang isda ay humihinga sa surface. Bukod dito ayon kay Mr. Gregg, may malaking isyu na kinakaharap ang aquarium fish industry dahil nitong nakaraan lamang may mga nanghuhuli ng isda na gamit ang cyanide. Ilan sa mga nahuling isda ay ang mga ornamental fish gaya ng clown fish tulad ni Nemo. Ang mga ganitong klase ng isda ay may kamahalan ang halaga… Dapat mapangalagaan ang marine species, sa paraan maipigilan paggamit ng cyanide para maprotektahan ang coral reefs, mga shellfsh gaya ng giant clamps. Huwag kumuha ng endangered at protected species. Isa sa alternatibong solusyon ay ang sustainable fishing. Ang sustainable fishing ay ang breeding in captivity. Makatutulong na maparami ang isda at hindi na kailangan pang manghuli sa karagatan.