Missile test ng North Korea, iimbestigahan ng UN
UNITED NATION, United States (AFP) — Hiniling ng isang UN sanctions committee na nakapokus sa nuclear-armed North Korea, na imbestigahan ang missile launch ng Pyongyang nitong Huwebes.
Ang panel ay binubuo ng kapareho ring 15 mga bansa na umuupo bilang Security Council. Ang kahilingan ay ginawa nitong Biyernes, sa isang closed door meeting ng komite.
Ang North Korea ay nagpakawala ng dalawang weapons nitong Huwebes, na tinawag ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, na ballistic missiles.
Ito ang unang probokasyon ng North Korea, mula nang maupo bilang pangulo ng US si Joe Biden noong Enero.
Ang sanctions committee ay nagpulong matapos ang urgent request ng United States.
Ang Pyongyang ay nasa ilalim nan g multiple international sanctions dahil sa kanilang weapons programs, kung saan pinagbawalan sila ng isang resolusyon ng UN Security Council na mag-develop ng ballistic missiles.
Ayon sa isang diplomat na ayaw magpakilala . . . “We are looking at what is possible. There was a general sense of concern during the meeting of the sanctions committee.”
Iisa ang nagging boto ng Security Council nitong Biyernes, na i-extend hanggang April 30, 2022 ang mandato ng UN experts, na tumitingin sa iba’t-ibang sanctions na ipinataw sa North Korea kaugnay ng kanilang weapons programs.
Ang mga ito ay inaprubahan sa mga nakalipas na taon sa inisyatiba ng US.
Sa bagong resolusyon na ipinasa nitong Biyernes, hinihiling sa experts group na magprisinta ng isang interim report sa August 3 at isang full and final report sa January 28, 2022.
Ang renewal ng mandato ng mga eksperto ay walang kaugnayan sa huling missile launches. Malapit na rin naman talaga iyong mag-expire.
Ang botohan ay kapwa suportado ng Russia at China, na noong isang taon ay nagtutulak para luwagan ang sanctions laban sa North Korea.
Ang sanctions ay may layuning pilitin ang North Korea na itigil ang kanilang nuclear at ballistic weapons programs.
Kabilang sa iba pang punishments ay ang paglimita sa oil imports ng North Korea at coal, textiles at fish exports.
© Agence France-Presse