Filing period sa paghahain ng mga pleadings para sa mga non-urgent matters, pinalawig sa mga Korte na nasa ECQ areas
Ipinag-utos ni Acting Chief Justice Estela Perlas- Bernabe ang extension ng filing period ng mga pleadings at iba pang Court submission sa mga Korte sa National Capital Region (NCR) at apat na lalawigan na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa Administrative Circular na inisyu ni Bernabe, sinabi na ang filing periods na tatama sa mga petsang March 29 hanggang March 31 ay pinalawig ng tatlong calendar days araw na magsisimula sa April 5.
Tanging ang mga pleadings o court submissions lamang sa mga urgent matters ang maaaring ihain ng mga litigants o abogado mula March 29 hanggang 31.
Pero dapat munang kontakin ng mga ito ang kinauukulang Korte sa kanilang email addresses o hotlines para makumpirma kung talagang ang isyu ay urgent.Sa oras lang na urgent matter ito ay saka lamang tatanggapin ng Korte ang Court submission at aaksyunan.
Kaugnay nito, suspendido rin ang mga court actions o paglalabas ng desisyon sa mga non-urgent na kaso na una nang nakaiskedyul mula ngayong Lunes hanggang Miyerkules.
Ito ay tulad pero hindi limitado sa promulgasyon ng hatol sa Civil cases, Services of Summons, Sales in Extrajudicial foreclosures, at Solemnizations ng mga kasal.
Moira Encina