Isabela, balik GCQ simula ngayong Lunes
Ibinalik sa general community quarantine (GCQ) status angIsabela upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
Epektibo ang GCQ sa lalawigan mula Marso 29-Abril 15. Habang GCQ bubble set up naman mula Marso 29 hanggang Abril 5. Nakadepende sa pamunuan ng lalawigan kung palalawigin pa ang implementasyon ng GCQ.
Ang Isabela ay nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) bago ipinatupad ang GCQ.
Inapruban ni Isabela Governor Rodito Albano III ang resolusyon, upang maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit sa lalawigan.
Sa ilalim ng GCQ, bawal muna ang anumang uri ng mass gatherings. Ang curfew hours ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang akas-4:00 ng umaga.
Ipatutupad din ang total liquor ban at bawal lumabas ang mga nasa edad 15-65. Bawal din ang dine-in kundi take-out lamang.
Sa huling tala ng Provincial Health Office, 214 ang bagong kaso kaya’t umaabot na sa kabuuang 976 ang COVID cases sa lalawigan. Nasa 817 ang natukoy na bilang ng local transmission.
Ulat ni Ryan Flores