Tamis o Asim ng Sampalok, Malalaman sa Makabagong Technology

logo

Mas pinadali na ngayon ang pagtukoy kung matamis o maasim ang sampalok, sa pagtatanim pa lang malalaman na.

Ito ay sa pamamagitan pag-aaral sa usbong o flower buds ng sampalok. Ginawa ang pag aaral ng Pampanga State Agricultural University o PSAU sa paggabay ng DOST- PCAARRD, Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development.

Sa pagsisimula ng pag-aaral ng PSAU, nakitang ang usbong ng bulaklak ng maasim na sampalok ay may mapulang bahagi, na hindi makikita sa matamis na variety. Natukoy ito ng mga researcher sa PSAU matapos na mangalap at suriin ang iba- ibang uri ng sampalok galing Pampanga, Bukidnon at Davao City .

At mula sa nakulektang variety ng sampalok, ang variety na tinawag na PAC Sour 2 ang may pinaka makapal na balat, may sukat na 0.56 mm, pinakamalaman na may sukat na 50.86 percent at pinakamabigat ang pod o bunga na ang buto ay higit sa tatlo.

Tinawag naman ang isa pang variety na Golden Sweet. Makapal ang balat kumpara sa PAC Sour 2 at ang sukat ay 0.73 mm, may pinakamabigat na bunga ng matamis na sampalok. Nais ng mga nagtatanim at investors iyung makapal ang balat para hindi madaling mabasag o masira ang balat habang inaani ang bunga ng sampalok. At protektado sa peste at sakit na pumipinsala sa mga tanim.

Tinawag ang pag-aaral na Accelerated R&D Program for Capacity Building of Research and Development Institution and Industrial Competitiveness Niche Center in the Region, Tamarind R&D Center.

Ang technology na ginamit ay Morphological and Molecular Characterization. So, alam na ngayon kung ang itatanim at aanihing sampalok ay matamis o maasim.

Please follow and like us: