Sec. Roque: Mga Senior Citizen, isasabay nang bakunahan pagdating ng mga karagdagang anti Covid vaccine
Inaasahang ngayong araw March 29 darating ang isang milyon pang karagdagang Sinovac vaccines.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang amendments ng Omnibus guidelines na pagsasabay-sabayin na ang pagbabakuna sa mga Medical Frontliners, Senior Citizen at mga taong may Comorbities bilang nasa Priority Group A-2.
Ito ay sa National Capital Region, Cebu at Davao.
Pero nilinaw ng kalihim na hindi nawawala sa most priority ang mga Healthcare workers at Frontliners.
Pres. Spox Harry Roque:
“Itong darating na isang milyon karamihan ay dadalhin pa rin sa NCR plus kung saan naririto ang may matinding pagtaas ng kaso kasama na ang mga syudad ng Cebu at Davao. Ang pagkakaiba po ngayon ay hindi na natin anatayin ang mga Medical frontliners bagamat pwede pa rin sila kumuha dahil sila ang priority pero isasabay na natin ang mga Seniors at mga may comorbities”.
Samantala, sinabi pa ni Roque na sa second quarter ng taong ito inaasahang darating ang bulto ng mga inorder na bakuna ng Pilipinas kaya dito na masisimulan ang vaccination sa lahat ng mga Filipino.
Nasa higit 2 milyong Sputnik V ng Russia ang inaasahang darating sa Abril kasama na ang mga biniling bakuna ng mga pribadong sektor na Moderna at Astrazeneca.
Malapit na rin anyang dumating ang mga biniling bakuna mula naman sa isang American manufacturer.
“Inaasahan talaga natin na sa second quarter ay darating ang bulto ng ating mga inorder, kasama na ang mga binili ng mga private sector na Astrazeneca at Moderna at isa pang bakuna mula sa Amercican manufacturer. Kaya doon na magsisimula ang pagbabakuna sa lahat ng mga Filipino”.