Daloy ng trapiko sa San Jose del Monte sa Bulacan, bumagal sa unang araw ng pagpapatupad ng ECQ
Sa unang araw ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa San Jose del Monte (SJDM) sa Bulacan, ay naging mabigat ang daloy ng trapiko sa boundary ng Caloocan at SJDM.
Sa magkabilang lane ng palabas at papasok ng lungsod ay ramdam ng mga commuters at biyahero ang mahabang pila ng mga sasakyan.
Bawat sasakyan kasi ay ini-inspeksyon ng enforcers upang tingnan ang mga pasahero at sinisiguro na ang lahat ay Authorized Person Outside Residence. Sa mga walang maipakitang sapat na dokumento ay pinabababa muna para siyasatin.
Maging sa bawat barangay ay iniisa-isa na ng mga lumalabas at pumapasok dito. Tanging mga nagtratrabaho lamang at mga mamamalengeke ang pinapayagang lumabas ng tahanan.
Ulat ni Cez Rodil