Pagpayag ni Pangulong Duterte na umangkat na ng bakuna ang mga Pribadong Sektor, makapagpapasiglang muli ng ekonomiya
Pinuri ng mga Senador ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang mga pribadong sektor na mag-import ng bakuna.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, isang magandang hakbang ito para hindi na kinakailangang mag-antay pa ang mga pribadong sektor ng pagdating ng suplay ng gobyerno.
Mawawala rin aniya ang duda na may lang nais lang na makorner ang vaccine procurement.
Statement SP Vicente Sotto:
“It’s a welcome decision by the President. Some sectors were starting to think that there were those who wanted to corner the vaccine procurement. This order will dispel that notion”.
Naniniwala naman si Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri na makatutulong ang desisyon ng Pangulo para mapabilis ang vaccination drive ng gobyerno.
Mahalaga kasi aniya ang bakuna at hindi na ito dapat maipit para sa mga work force ng mga pribadong sektor.
Ang private sector aniya ang itinuturing na medical frontiliners kaya mahalaga rin na magkaroon na sila ng bakuna para maiwasan na ang anumang pagsasara ng negosyo o pagkawala ng trabaho ng mas maraming mga Filipino dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Statement Sen. Zubiri:
“The private sector has the resources to order the vaccines for their work force which can be considered economic frontliners and are important for jumpstarting the economy and prevent anymore loss of jobs that could happen through a continuous ECQ”.
Naniniwala rin si Senador Bong Go na kung agad mababakunahan ang mga manggagawa sa pribadong sektor ligtas na makapagtatrabaho ang mga manggagawa at mabilis na sisigla ang ekonomiya.
Dapat aniya silang bigyan ng sapat na oportunidad para makatulong sa gobyerno.
Statement Sen. Bong Go:
“Karamihan sa private sector ay may sariling direct contacts sa mga vaccine providers. Mabibigyan natin sila ng sapat na oportunidad na makatulong kung pabibilisin natin ang proseso at aalalayan natin sila sa pag-comply sa mga requirements. Huwag pong pahirapan para hindi matagalan ang pagbili ng bakuna para sa mga kababayan natin. Kapag nabakunahan agad ang mga empleyado sa pribadong sektor, mas mabilis na sisigla muli ang ating ekonomiya, ligtas na makakapagtrabaho ang ating mga manggagawa, at muling aangat ang kabuhayan ng kanilang pamilya. Makakatulong ito upang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap at nagugutom”.
Umapila naman si Senador Sonny Angara sa Inter-Agency Task Force (IATF) na agad bumalangkas ng guidelines para maayos na maisakatuparan ang utos ng Pangulo.
Iginiit ng Senador na bakuna ang solusyon para makabangon ang bansa sa matinding epekto ng Pandemya.
Statement Sen. Angara:
“ I’m sure Sec. Galvez will take his cue from what the President said and facilitate any proposed acquisition of vaccines by the private sector. Note that since the vaccines are only under EUA or emergency use authorization, the vaccines cannot be sold commercially yet but can be procured by companies for their employees and their families”.
Meanne Corvera