Gulayan sa pamayanan, patuloy na inilulunsad ng local na pamahalaan ng San Jose del Monte sa Bulacan
Tuloy ang pag-iikot ng Local Government Unit (LGU) at iba pang sangay ng local na pamahalaan ng San Jose Del Monte (SJDM) sa Bulacan, para mamahagi ng libreng buto at punla sa bawat tahanan.
Isa ang Barangay Gaya-gaya sa matagumpay na nakapagtanim ng mga gulay.
Pinangunahan ito nina Kagawad Elma Ballesteros na namahagi ng libreng punla para itanim ng kanilang nasasakupan.
Ayon kay Ballesteros, dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ, kaya isa-isa na lamang nilang pinupuntahan ang bawat tahanan sa kanilang nasasakupang lugar, sa ganitong paraan din aniya ay mas lalo nila silang matututukan dahil namamalagi lang sila sa kanilang tahanan.
Kasama sa ipinamahagi nilang punla ay ang okra, talong, pechay, kangkong, mustasa at iba pa.
Ayon sa mga residente ng Barangay Gaya-gaya, malaking tulong ang mga punla dahil makatitipid sila sa pag araw-araw na budget dahil hindi na kailangang bumili, at mabibigyan pa nila ng masustansyang pagkain ang kanilang pamilya.
Ulat ni Oneil Manuel