CALABARZON nakapagtala ng mahigit 1,400 bagong kaso ng COVID-19 sa unang araw ng Abril
Nadagdagan ng mahigit 1,400 ang kaso ng COVID-19 sa CALABARZON sa unang araw ng Abril.
Ayon sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 1,431 bagong kaso ng virus ang naitala sa rehiyon.
Dahil dito, umakyat na sa 93,876 ang kumpirmadong nahawahan ng sakit sa Region IV-A mula noong nakaraang taon.
Mula sa nasabing bilang ay mahigit 13,000 ang aktibong kaso.
May bagong recoveries na 244 kaya mahigit 78,200 na ang mga pasyenteng gumaling mula sa COVID sa CALABARZON.
Umabot naman sa 2,538 ang pumanaw dahil sa virus makaraang madagdagan ng 21.
Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases sa rehiyon na 4,331.
Pangalawa ang Rizal na mahigit 3,000, at pangatlo ang Laguna na nasa 2,800 active cases.
Moira Encina