Mga pasyenteng tatanggapin sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, limitado muna
Limitado muna ang mga tatangaping pasyente sa Emergency Room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Maynila.
Sa isang abiso mula sa Manila Public Information Office, nakasaad na ang pansamantalang paglimita sa pagtanggap ng pasyente ay nagsimula kahapon Abril 1 hanggang Abril 5.
Nakasaad sa abiso na extreme o kritikal na pasyente lamang ang tatanggapin pansamantala ng pagamutan.
Ito ay para bigyang daan ang gagawing terminal cleaning at disinfection sa ER ng GABMMC.
Layon din nito na maisaayos at madischarge muna ang mga and COVID-19 related cases na naka-admit sa ospital.
Una rito, naglabas ng anunsyo ang pamunuan ng ospital na puno na ang kanilang Covid-19 ward.
Lahat ng Covid beds na kanilang inilaan ay okupado na rin.
Nasa 124.44% operating capacity na umano ang kanilang COVID ward at Isolation rooms.
Kaya abiso ng ospital, lilimitahan rin muna nila ang pagtanggap ng Covid positive patients.
Sa pinakahuling datos mula sa Manila LGU nasa 87% na ang occupancy rate ng kanilang 6 na district hospitals sa lungsod.
Sa pinakahuling datos, nasa 4,415 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Maynila.
Madz Moratillo