Cavite Governor Jonvic Remulla, magiging patas sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ sa lalawigan.
Nagbigay ng suhestiyon si Cavite Governor Jonvic Remulla sa National Government para sa gagawin nilang pamamahagi ng 3.2 billion pesos na financial aid para sa mga taga Cavite na apektado ng ECQ.
Ang suhestiyon ng gobernador ay mabigyan ng patas na financial aid ang bawat pamilya sa lalawigan.
Ayon sa gobernador, bagaman hindi sapat ang inilaang pondo ng DBM para sa kanilang lalawigan dahil sa ang pinagbatayan ng ahensya ay ang 2010 census, ay pagkakasyahin na lamang ito ng Cavite Provincial govt. para sa 4.2 million population ng lalawigan.
Dagdag pa ni Remulla, sa ganitong paraan na patas ang pagbibigay ng ayuda ay hindi magkakaroon ng inggitan ang mga mamamayan at maging bawat pamilya.
Nangako din ang gobernador na magiging transparent at well accounted ang cavite provincial govt sa perang ilalabas ng mga opisyal para sa lahat ng taga cavite na apektado ng pandemiya dulot ng covid 19 at ng ECQ na tatagal hanggang April 11.