Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano nagpabakuna na rin kontra COVID-19
Ipinagpatuloy ng Pasay City LGU ang pagbabakuna sa mga residente nito laban sa COVID-19.
Partikular na binakunahan ang mga taong may comorbidities na may edad 18 hanggang 59 years old.
Pero kabilang rin sa mga binakunahan si Pasay City Mayor Emi Calixto- Rubiano.
Ito ay matapos payagan na ng national government ang mga local officials gaya ng mga alkalde sa mga lugar na itinuturing na critical zones na mabakunahan na rin laban sa COVID.
Ayon sa mayor, wala naman siyang masamang naramdaman matapos maturukan.
Sinabi ni Rubiano na umabot na sa mahigit 4,600 ang tumanggap ng bakuna kontra COVID sa lungsod.
Sa nasabing bilang ay iilan lang anya ang nakaranas ng adverse effect gaya ng allergies, lagnat, at pagsama ng pakiramdam na pawang normal lamang.
Kaugnay nito, nanawagan ang mayor sa mga residente ng Pasay na huwag matakot na magpabakuna dahil ito ay dagdag na proteksyon laban sa virus.
Moira Encina