Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, mahigit 15,000 na
Umakyat na sa mahigit 15,170 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Ito makaraang makapagtala ang DOH Center for Health- CALABARZON ng 556 bagong kaso ng virus sa rehiyon.
Pinakamaraming naitalang active cases sa Cavite na 5,075.
Sumunod na may pinakamataas na aktibong kaso ay Rizal na nasa 3,300, at pangatlo, ang Laguna na nasa 3,100.
Ang nasabing tatlong lalawigan ay kabilang sa mga lugar na isinailalim sa ECQ hanggang Abril 11.
May 208 bagong gumaling mula sa sakit kaya umabot na sa mahigit 79,700 ang recoveries sa Region IV-A.
Nasa 2,600 naman ang pumanaw sa rehiyon matapos madagdagan ng 16.
Sa kabuuan ay 97,515 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa CALABARZON mula noong nakaraang taon.
Moira Encina