DOH tiniyak na may sapat pa silang supply ng personal protective equipment para sa mga health worker sa bansa
Tiniyak ng Department of Health na hindi magkakaroon ng shortage ng personal protective equipment para sa mga health worker sa bansa.
Ayon kay DOH Usec at spokesperson Ma. Rosario Vergeire, may sapat pa silang stock ng mga PPE para ipimahagi sa mga ospital.
Ang mga stock na ito ng PPE ay mula pa aniya sa mga binili ng kagawaran noong nakaraang taon. Giit ni Vergeire, sa ngayon ay wala pa silang nakikitang shortage ng PPE sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng covid 19.
Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon ng kakulangan sa supply ng PPE sa maraming ospital sa bansa. Ang ilang mga health worker napilitang mag improvise para lamang may magamit.