Mga nasawi sa baha sa Indonesia at East Tmor higit 150 na
JAKARTA, Indonesia (AFP) – Dose-dosena pa ang pinaghahanap ng rescuers, matapos ang pagbaha at landslides sa Indonesia at East Timor na ikinasawi ng higit sa 150 at pagkawala ng tahanan ng libo-libong katao.
Ang malakas na ulang dulot ng Tropical Cyclone Seroja, ay naging sanhi upang lumikas sa mga shelter sa mga katabing Southeast Asian nations ang may sampung libong katao, at naging sanhi rin ng pagkabunot ng mga puno.
Ayon sa disaster management agency ng Indonesia, nakapagtala sila ng 130 nasawi sa remote islands malapit sa East Timor, at 27 iba pa ang opisyal na naitalang patay na.
Nagkukumahog na rin ang search and rescue teams sa Indonesia para mahanap ang higit 70 katao pang nawawala, kung saan gumagamit nila ng pala para alisin ang mga debris.
Tinangay ng bagyo ang mga gusali sa ilang villages pababa sa isang bundok at sa baybayin ng karagatan ng isla ng Lembata.
Ayon sa mga awtoridad, nakikipag-unahan silang mabigyan ng matutuluyan ang evacuees, habang tinatangkang pigilan na kumalat ang COVID-19.
Sinabi ni Thomas Ola Longaday, alkalde sa naturang lugar . . . “These evacuees fled here with just wet clothes on their backs and nothing else. They need blankets, pillows, mattresses and tents. We don’t have enough anaesthesiologists and surgeons, but we’ve been promised that help will come. Many survivors have broken bones because they were hit by rocks, logs and debris.”
Sa katabing munisipalidad naman ng East Flores, ay tinangay ng putik ang mga kabahayan, mga tulay at mga kalsada.
Sinira o tuluyang winasak ng bagyo na kumikilos patungo sa west coast ng Australia, ang mga ospital, mga tulay at libo-libong mga bahay.
Ayon sa tagapagsalita ng national disaster agency na si Raditya Jati . . . “We could still see extreme weather (from the cyclone) for the next few days.”
Sinisikap pa rin ng mga awtoridad na ilikas ang remote communities at bigyan ng matutuluyan ang mga tinamaan ng bagyo.
Ang nakamamatay na landslides at flash floods ay karaniwan na sa magkabilang panig ng Indonesian archipelago tuwing panahon ng tag-ulan.
Ayon sa environmentalist, malimit na bunga ito ng deforestation.
© Agence France-Presse