Tokyo Olympics test event kinansela dahil sa coronavirus
TOKYO, Japan (AFP) – Kinansela ang isang Tokyo Olympics water polo event, dahil hindi makapasok sa Japan ang sport officials bunsod ng coronavirus restrictions.
Ang event ang pinakahuling biktima ng virus restrictions, na naging sanhi para mapilitang pwersahin ang postponement ng isang serye ng Olympic qualifiers at tests.
Ang dalawang araw na polo event ay magsisimula sana noong Sabado, subalit kinansela dahil sa mahigpit na travel regulations ng Japan, na nagbawal sa lahat ng foreign nationals na pumasok sa bansa.
Nangangahulugan na ang time-keepers at record-keepers na papunta ng Japan ay hindi makalalahok sa event, bagamat inihayag ng Kyoto news agency na maaari namang ire-schedule ito.
Tumanggi naman ang Tokyo Olympics organisers na magkomento
Ang test events para san a-delay na palaro ay nagresume nitong nagdaang linggo sa unang pagkakataon mula nang mag-umpisa ang pandemya, kung saan ang wheelchair rugby event ay ginanap sa Yoyogi National Stadium sa Tokyo.
Gayunman may mga pangamba kung ang natitira pang 17 test events ay matutuloy sa kaniyang schedule.
Nitong nakalipas na linggo, ang International Swimming Federation (FINA) ay nagsabing ikinukonsidera nitong ilipat ang Olympic qualifiers mula sa Japan.
Kabilang sa mga events ay ang Diving World Cup nan a ka-schedule ngayong Abril, at ang Artistic Swimming qualifier nan aka-schedule naman sa Mayo.
Sa competition calendar ng FINA ay inilista nang “cancelled” ang dalawang events, kasama na ang May 29-30 Olympic marathon swim qualifier sa Fukuoka, Japan. cancelled.
Napaulat na ipinabatid ng governing body sa member nations nitong nakalipas na linggo, na nakatanggap ito ng “worrying information” tungkol sa panukalang COVID-19 countermeasures ng organisers.
Nitong Lunes, inanunsyo rin ng Japan Triathlon Union na ang isang triathlon World Cup event na gaganapin sana sa Osaka sa Mayo, ay kinansela dahil sa virus restrictions.
Ang kompetisyon ay hindi isang Olympic test event, ngunit makatutulong sa pagdedesisyon kung ang mga atleta ay maaaring lumahok sa mga kompetisyon, katatampukan ito ng 130 triathletes mula sa 30 ibat-ibang mga bansa.
© Agence France-Presse