Barangay Assembly Day sa Dapitan City naging matagumpay
Matagumpay ang ginawang pagdiriwang ng Barangay Assembly Day ng 50 barangay na sakop ng Dapitan, sa Zamboanga del Norte ayon na rin sa pahayag mula sa Department of Interior and Local Government o DILG ng lungsod, sa pamamagitan ni Ms. Anabella Jatico, City Local Gov’t Operations Officer.
Ayon kay Jatico ang naturang assembly ng mga barangay ay isinagawa batay sa Memorandum Circular No. 2021-025.
Ang nasabing kautusan ay batay sa section 397 RA No. 7160 ng Local Government Code of 1991, na magsagawa ng pagpupulong ang mga barangay na dadaluhan ng mga miyembro at mga residente.
Dagdag pa ni Jatico, sinimulan ang pagpupulong sa 50 mga barangay sa lungsod sa pamamagitan ng face to face, rekorida at pamamahagi ng mga flyers.
Dumalo sa bawat pagpupulong ang mga tauhan ng DILG, maging ang mga miyembro ng Dapitan City Police Station, at City Health Office kasama rin ang CSWDO at DepEd na ang tinalakay ay tungkol sa pagpapakalat ng mga impormasyon sa coronavirus vaccines.
Ulat ni Kristine Chiong