Ilang korte sa Regions I,II,at III, pisikal na sarado bilang pag-iingat sa COVID-19

Pansamantalang sarado ang ilang hukuman sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon bilang precautionary measure laban sa COVID-19.

Sa Region I o Ilocos, naka- lockdown hanggang April 19 ang Sudipen, La Union Municipal Trial Court, Aringay, La Union MTC, at Alcala- Bautista, Pangasinan 8th Municipal Circuit Trial Court

Gayundin, ang Urdaneta City, Pangasinan Municipal Trial Court in Cities hanggang April 18.

Sa Region II o Cagayan Valley, pisikal na sarado ang Peñablanca, Cagayan Municipal Trial Court hanggang April 13 habang hanggang April 14 ang San Mateo, Isabela MTC.

Hanggang April 18 naman ang lockdown sa Cauayan City, Isabela MTC.

Sa Region III o Central Luzon, sarado hanggang sa April 18 ang Angeles City, Pampanga RTC Branch 59 habang hanggang April 19 ang Guagua, Pampanga RTC-OCC, at Dinalupihan, Bataan RTC Branch 5.

Maaari ma-contact ang mga nasabing korte sa kanilang official hotlines at email addtesses.

Pwede ring tingnan ng publiko ang quarantine status ng mga trial courts sa bansa sa website ng Korte Suprema na sc.judiciary.gov.ph.

Moira Encina

Please follow and like us: