Pagpapasinaya ng mga IATF official sa isang Modular Hospital, binatikos
Binatikos ni Senador Nancy Binay ang ginawang inagurasyon ng mga opisyal ng Gobyerno sa Quezon Institute Offsite Modular Hospital para sa mga Covid-19 patient.
Sa isang tweet sinabi ng Senador na sayang lang ang oras sa Ribbon cutting at Photo ops.
Sana aniya ay binuksan na lang agad ang pagamutan para sa mga pasyenteng naghahabol ng buhay na nakapila at hanggang ngayon at hindi pa naa-admit sa mga ospital.
Sa kaniya pang hashtag sinabi ni binay na #bawaldinangmassgathering.
Senador Binay’s Tweet:
“Pakiusap kung pwede buksan na lang para magamit agad. Sayang lang ang oras sa ribbon cutting at photo ops. These things are unnecessary and leave a bad taste for families of COVID patients who are racing against life and time,” #TimeIsOfTheEssence #BawalDinAngMassGathering.
Nauna nang pinasinayaan ng mga opisyal ng gobyerno ang naturang modular hospital kahapon kabilang na sina Senator Bong Go, Health Secretary Francisco Duque III, Public Works Secretary Mark Villar, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., Testing Czar Vince Dizon at Philhealth President Dante Gierran.
Ngayong araw magsisimulang tumanggap ng pasyente ang Modular Hospital sa pamamagitan ng one hospital command center at hindi papayagan ang mga walk-in.
Meanne Corvera