Libreng sakay sa Edsa Busway para sa mga APOR at Healthcare workers, umarangkada na ngayong araw
Nagpalabas pa ng mga karagdagang pampasaherong bus ang Gobyerno para umasiste sa pagbibiyahe at pagpasok sa trabaho ng mga Healthcare workers at Authorized Person outside Residence (APOR) matapos palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa greater Metro Manila.
Ito ay mga libreng sakay alinsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magkaloob ng karagdagang mga sasakyan upang hindi mahirapan ang mga commuter na magbiyahe dahil limitado pa ang Public Transport.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), upang maka-avail ng libreng sakay, kailangan lamang magprisinta ng ID ang mga Healthcare workers upang matukoy ang kanilang pinagtatrabahuhan.
Mananatili ang libreng sakay para sa mga nasabing sektor hanggang sa mai-lift ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Paliwanag ng DOTr ang mga free bus rides ay iba pa sa mga jeepney free rides na may 51 ruta sa Metro Manila at mga karatig na rehiyon.
HInimok din ng DOTr ang mga commuter na idownload ang sakay.ph app upang makita ang mga bumibiyahe at libreng sasakyan sa ilalim ng Service Contracting program.