Mga nagparehistro sa COVID-19 vaccination sa San Juan City, halos 57,000 na
Malapit nang maabot ng San Juan City Government ang target population nito sa COVID-19 vaccination batay sa bilang ng mga nagparehistro sa lungsod.
Sa pinakahuling datos ng LGU, kabuuang 56,751 ang vaccine registrants sa San Juan City.
Katumbas ito ng 66.45% ng 85,400 na residente o 70% ng target na mabakunahan laban sa COVID-19 para makamit ang herd immunity.
Muling pinaalalahanan ang mga registrants na hintayin ang official confirmatory text mula sa San Juan City LGU kung saan nakasaad ang iskedyul ng pagbabakuna.
Kung walang natatanggap na confirmatory text ay maghintay lamang at huwag basta pumunta sa vaccination center.
Sa kasalukuyan, ang mga binabakunahan ay ang senior citizens at persons with comorbidities.
Moira Encina