Mahigit sa 19 million pesos na ayuda para sa mga residenteng apektado ng ECQ, inilaan ng DBM sa Magallanes, Cavite
Nasa 19,205,000 ang pondong inilaan ng DBM sa Magallanes Cavite LGU bilang ayuda sa mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Mayor Jasmin Maligaya-Bautista, bibigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng cash assistance ang mga beneficiaries ng 1st at 2nd tranche ng Social Amelioration Program, mga nasa waiting list, mga kabilang sa vulnerable group, at iba pang indibidwal, batay na rin sa inilabas na joint memorandum circular ng DILG-DBM-DND.
Nilinaw naman ng alkalde na ang listahan ng mga benepisyaryo ng naturang programa ay alinsunod sa mga datos mula sa Department of Social Welfare and Development, na siyang binerepika ng lokal na pamahalaan sa tulong ng mga barangay official.