FDA, inaprubahan nang gamitin ang Sinovac vaccine sa mga Senior Citizen
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng CoronaVac ng Sinovac para sa mga Senior Citizen.
Batay sa inaprubahang Emergency Use Authorization ng Sinovac vaccine, pwede lang ito sa mga nasa edad 18 hanggang 59 anyos.
Ang desisyon ng FDA ay dahil na rin sa kakapusan ng Astrazeneca vaccine na pwede sanang iturok sa mga matatanda at patuloy na pagtaas ng Covid- 19 cases sa bansa.
Pero paalala ng Department of Health at FDA, bago turukan ng Sinovac ang isang Senior Citizen, dapat ay tingnan munang mabuti ang health status nito.
FDA Dir-Gen. Eric Domingo:
“After considering the recommendation of the experts and the current situation of high COVID-19 transmission and limited available vaccines, the FDA is allowing the use of Sinovac on senior citizens. Vaccination should be preceded by an evaluation of the person’s health status and exposure risk to assure that benefits of vaccination outweigh risks”.
Una rito, inirerekomenda na rin ng Vaccine Development Experts Panel (VEP) ang paggamit ng Sinovac sa mga nakatatanda.
Ilan sa naging konsiderasyon ng VEP ay ang paggamit na rin ng ilang bansa gaya ng China, Indonesia, Hong Kong at Turkey sa Sinovac vaccine sa kanilang senior population.
Madz Moratillo