Employment recovery strategy, pinalalakas ng TESDA
Isinusulong ng Technical Education and Development Authority o TESDA ang karagdagan pang provincial training centers and institutes para mas madaling maka access ang ating mga kababayan kahit sa malalayong lugar.
Sinabi ni Deputy Director General John Bertiz sa panayam ng Serbisyo ng Agila na malaki ang maitutulong ng libreng skills training and development para kabuhayan ng ating mga kababayan lalo na ngayong pandemya.
Dagdag pa ni Bertiz na bahagi ito ng kanilang Employment Recovery Strategy kaya pinalalakas pa nila ang online courses na mas marami ang natutulungan lalo na sa pastry and bread making na kalaunan ay nagiging negosyo nasa pamamagitan ng pagbebenta online.
Samantala, gumagawa din ng mga kaparaanan ang TESDA para makatulong sa mga nasa construction, health care, BPOs, at agriculture sectors.