Paano maging positibo ang pananaw sa harap ng Pandemya
Sa panahong ito ng Pandemya, hindi maikakaila na marami ang nakararanas ng sadness, stress, anxiety and depression. Yung iba ayaw ng mag-move forward.
Sa programang Let’s Get Ready to Radyo, sinabi ni Mr. Henry Pingol, Director of Happiness and People Development, na makatutulong ang mga sumusunod na paalala o tips para maging positibo sa gitna ng Pandemya:
1. Baguhin ang mindset. Huwag na nating asahan na babalik pa sa dati, dapat i-embrace ang ‘new normal’ . At sikapin na mapagtuunan ng focus o pansin ay ang positive thoughts, kaysa sa negative thoughts. Focus yourself sa mga blessing na natatanggap natin, ang sabi nga, everyday gising is a blessing.
2. Maging matapang sa pagharap sa Pandemya. Lakasan ang loob dahil kung hindi maaaring matakot ka sa taas ng bilang ng nagkaka Covid -19, nearing 1 Million mark. Pero, magkaganito man, marami naman ang gumagaling at ito ang dapat nating pagtuunan ng pansin, yung bilang ng mga gumagaling. Bakit kailangang matakot e sumusunod ka naman sa Health protocols, màlakas naman ang immune system mo, higit sa lahat , prayerful tayo dapat.
3. Magkaron ng attitude na goodness, kindness, at mindfulness. Ito ang dapat nating taglayin na positibong pag- uugali. Kung mabait ka,ganundin ang gagawin ng kapwa mo sa ‘yo. Goodness, kapag gumawa ka ng mabuti, at matulungin ka sa ibang tao. Mindfulness, ito naman yung pagiging maingay sa lahat ng sinasabi. Maging ang tono ng pananalita o sa pakikipag- usap natin. Magsalita ng malumanay, ng may malasakit at pagmamahal.
4. Makinig ng musika. Malaki ang maitutulong nito para hindi mastress. Piliin ang melancholic ang tono pero ang lyrics ay bibigyan ka ng pag- asa to move on. Iwasan muna ang masyadong malungkot na kanta at negative ang dating o impact sayo.
Ilan lamang Ito sa pwedeng gawin para labanan ang kalungkutan at depresyon ngayong Pandemya.
Julie Fernando