Panibagong mga kaso ng Covid-19 variant, nadetect sa bansa
Nakadetect ng mga panibagong variant ng Covid-19 ang Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).
Ayon sa mga Health authorities, ang mga variant na natukoy ay kabilang sa mga batches ng 25 samples matapos ang sequencing nitong March 28 at 1,336 samples mula naman sa sequencing nitong March 28 hanggang April 8.
Sa 170 B.1.1.7 variant cases, walo sa mga kaso ay mula sa Returning Overseas Filipino (ROF), 119 ay local cases habang ang 43 ay bine-verify pa kung local o Rof cases.
Sa nasabing mga kaso, dalawa ang namatay at 168 naman ang nakarekober.
Nasa 192 karagdagang variant ng B.1.351 ang natukoy din ng mga Health authorities.
Isa sa mga ito ay mula sa ROF, 143 ay local cases at 48 ang patuloy na bineberipika.
Dalawa sa mga kaso ay aktibo, 3 ang namatay at 187 ang nakarekober.
Habang isang P.1 variant case din ang nadetect mula sa isang ROF mula Brazil na kasalukuyang naninirahan sa SOCCSKSARGEN Region.
May nadetect din na 19 na karagdagang P.3 variant cases kung saan dalawa ay mula sa ROF, sampu ay local cases at pito ay patuloy na bineperipika.
Lahat sa mga pasyente nito ay nakarekober na.
Sa gitna ng tumataas na kaso ng mga Covid-19 variants, muling nanawagan ang DOH sa publiko na mahigpit na sundin ang mga Health standard upang maiwasan nang maragdagan pa ang virus infection.