Cavite Provincial Government magpapatupad ng bagong curfew hour kasabay ng pagasasailalim sa lalawigan sa MECQ simula ngayong araw.

Pinagtibay ng Cavite Provincial Govt na magpatupad ng bagong curfew hours kasabay ng pagsasailalim sa lalawigan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, ang bagong curfew hours ay mula 10:00PM hanggang 4:00AM simula ngayong Lunes, Abril 12, 2021 hanggang sa pagtatapos ng MECQ sa Abril 30, 2021.

Mananatili namang exempted sa curfew hours ang Authorized Persons Outside Residence (APOR) basta ang kailangan lamang ay dala ng isang empleyado ang kaniyang mga dokumento sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

Samantala, ang schedule ng Mall operation sa buong Cavite ay mula 9:00AM hanggang 6:00PM at tanging mga essential establishment pa rin muna ang pinapayagang mag bukas, at ang papayagang pumasok sa mga mall ay ang mga may kailangang essential.

Hindi pa rin pinapayagan na lumabas ng tahanan ang mga may edad 18 pababa at 65 years old pataas.

Muli ding ipinapaalala ng gobernador na triple ingat ang dapat na gawin ng publiko dahil aniya ang transmission ng sakit ay karaniwan nang nagmumula sa pinagtatrabahuhan.

Sa kasalukyan, nangunguna ang Cavite sa may pinakamaraming kaso ng virus sa region 4a kung saan mayroon na itong 30,901 confirmed case, kung saan sa bilang na yan, 23, 187 ang nakarekober, 6,974 ang active case at 740 ang nasawi.

Please follow and like us: