Command Control Center, giit ng isang eksperto para matugunan ang tumataas na kaso ng Covid-19
Iminungkahi ni Dr. Tony Leachon, Health Reform Advocate, na malaki ang maitutulong kung magkakaron ng Command Control Center sa pamamagitan ng national television para sumagot sa mga hinaing ng mga tao patungkol sa Covid- 19.
Sa interview ng Eagle in Action, sinabi ni Leachon na maaaring ang maghandle ng programa at tutugon sa mga reklamo o tawag ay ang Secretary o Undersecretary ng isang Kagawaran.
Dito màlalaman hung ano ang mga problema na dapat na masolusyunan agad gaya ng testing, isolation and quarantine facility, at iba pa.
Suggestion din ni Leachon na sa TV program ay may Telemedicine para sumagot sa mga tanong ng mga may sakit man o wala.
Dagdag pa niya na malaking tulong din ang Digital Technology para mairecord ang bilang ng mga namamatay dahil sa Covid-19 hindi lamang sa mga ospital kundi maging sa bahay at iba pang lugar.
Julie Fernando