Philippine Identification System registration center binuksan sa San Fernando Pampanga
Pormal nang binuksan ng Philippine Identification System o (PhilSys) ang kanilang ika-23 registration center sa lungsod ng San Fernando sa Pmpanga, kung saan sa pamamagitan nito ay mapadadali na ang registration ng bawat indibidwal.
Sa bisa na rin ito ng nilagdaang Republic Act (RA) 11055 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na may layuning magtaglay ang bawat Pilipino ng iisang official identity card na ipiprisenta at gagamitin, sa lahat ng transaksyon sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Ang hakbang na ito’y malaking tulong sa mas organisado at maayos na sistema ng mga gawaing isinasagawa sa pamahalaan.
Dagdag pa riyan, ang Landbank ay may mahalagang bahaging ginagampanan sapagkat awtomatikong nagkakaroon ng account ang bawat indibidwal na rehistrado sa Batas Republika na ito, na siyang magagamit sa mas mabilis at maayos na pagbibigay ng mga ayuda o tulong mula sa gobyerno.
Ang pagbubukas ng bagong center ay matagumpay na dinaluhan ng mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga na sina Board Members Rosve Henson, Ananias Canlas Jr., Ferdinand Labung, Anthony Joseph Torres, Nelson Calara, Benny Jocson, Venancio Macapagal, PDRRMO Chief Angelina Blanco, at maging ang ilang kawani ng Kapitolyo.
Naroon din sina Pampanga 3rd District Congressman Aurelio Gonzales, Jr., PSA OIC Arlene Divino, Landbank Pampanga Branch Manager Roel Samia, at National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Director Agustin Mendoza.
Ulat ni Mica Canoy