Calamba City LGU sa Laguna, nagsimula nang mamahagi ng ayuda sa 6 na barangay na naapektuhan ng katatapos na ECQ sa lalawigan.

Sinimulan na ng Calamba City Laguna LGU ang distribusyon ng financial assistance para sa mga residente nito sa kanilang bayan na naapektuhan ng katatapos na ECQ nitong nakalipas na dalawang linggo.
Batay sa anunsiyo ng Calamba City Gov’t, ngayong araw ng Martes ay anim na barangay sa lungsod ang mabibigyan ng ayuda na inilaan ng National Gov’t. ito ay ang mga barangay ng: 


Brgy. Batino 

Brgy. Camaligan

Brgy. Mabato

Brgy. Maunong 

Brgy. Ulango 


Ang listahan ng mga benepisyaryong makatatanggap ng ayuda ay makikita sa tanggapan ng barangay. 


Una nang humingi ng pang-unawa si Calamba City Mayor Justin Chipeco sa publiko dahil sa pagka antala ng pamamahagi ng ayuda sa lungsod dahil sa mga naging validation at asesment na kanilang isinagawa para mtiyak na magiging maayos ang distribuayon ng ayuda sa mga nangangailangan.


Batay sa inilabas na Joint Memorandum Circular #1 (2021)  ng DILG, DSWD at DND, ang mga tinukoy na pamilya o indibidwal na naapektuhan ng katatapos na ECQ ay makakatanggap ng P1,000.00 na ayuda kada miyembro ngunit hindi hihigit sa apat na miyembro kada pamilya. 

Please follow and like us: