DFA, iniutos ang muling paghahain ng Diplomatic Protest laban sa China
Iniutos ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang pagsasampa ng diplomatic protest laban sa China.
Kasunod ito ng report ng National Task Force on the West Philippine Sea na 200 Chinese vessels ang namataang nakakalat sa West Philippine Sea.
Sec. Locsin’s Twitter post:
“Changing my policy of acting only on NTF requests. @DFAPHL FIRE A DIPLOMATIC PROTEST NOW.“.
Ayon kay Locsin, hindi na ibabatay lang sa request ng National Task Force ang paghahain ng protesta.
Batay sa report ng Task Force, anim na Chinese Navy vessel kasama na ang tatlong warship ang namataan sa Bajo de Masinloc.
Bukod pa rito ang mga nakakalat na Chinese Navy vessel sa Kalayaan sa Palawan, Burgos reef, Julian Felipe reef, Panganiban at Zamora reef.
Nauna nang ipinatawag ng DFA angRembahadador ng China sa Pilipinas para talakayin ang isyu.
Meanne Corvera