50 Milyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sinira ng BOC sa Zamboanga
Aabot sa 50 milyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs sa Zamboanga.
Ayon sa BOC, nasa mahigit 1,278 master cases at 513 reams ng sigarilyo ang sinira sa isang warehouse sa Brgy. Baliwasan sa Zamboanga City.
Dinurog muna ang mga sigarilyo gamit ang payloader equipment at pagkatapos ay ibinabad ito sa used oil para masigurong hindi na ito mare-recycle.
Pagkatapos ay binasa na ang mga ito ng tubig at saka itinapon sa sanitary landfill sa Brgy. Salaan.
Ang mga nasabing sigarilyo, nasabat sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations ng BOC mula noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ito ang unang condemnation activity na isinagawa ng BOC Port of Zamboanga sa taong ito.
Madz Moratillo