Cavite Police Provicial Office hindi na bibigyan ng physical exercise ang mga quarantine violator kasunod nang nangyaring pagkamatay ni Darren Peñarendondo sa General Trias City Cavite

Nangako ang Cavite Police Provincial office na hindi na nila huhulihin ang mga lalabag sa umiiral na quarantine at curfew hour sa lalawigan. 


Ayon kay Cavite Provincial  Police Director Police Col. Marlon Santos, bibigyan na lamang aniya nila ang mga mahuhuling lalabag sa quarantine restriction ng patas na babala at pagsasabihan at pakikiusapan na sumunod sa minimun health standard dahil ito aniya para din naman sa kaligtasan ng bawat isa laban sa virus.


Ayon pa sa opisyal, hindi na rin magsasagawa ng physical exercise  ang mga mahuhuling lalabag sa quarantine at curfew hour bagkus ay bibigyan na lamang ng multa.


Ginawa ang pahayag ng opisyal matapos ang nangyarin insidente ng pagkamatay ni Darren Peñaredondo, quarantine violator mula sa lungsod ng General Trias pagkatapos na mahuli at pinapag physical exercise dahil sa paglabag sa curfew dahil sa pagbili ng tubig.


Nakausap na rin ng mga opisyal ng Cavite Provincial Police ang dalawa sa quarantine violator na nakasama ni Peñarendondo na pinapag physical exercise at nakumpirma ng mga opisyal na talaga ngang pinapag pumping ang mga ito ng mahigit sa isangdaang ulit. 

Please follow and like us: