Physical closure ng mga korte na nasa ECQ o MECQ areas, pinalawig hanggang sa Abril 30
Pisikal na sarado hanggang sa katapusan ng Abril ang mga hukuman sa mga lugar na isinailalim sa ECQ o MECQ.
Sa administrative circular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, mula sa dating Abril 18 ay pinalawig hanggang sa Abril 30 ang pagsasara ng mga korte sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Abra, Quirino, at Santiago City.
Naka-lockdown din ang mga hukuman hanggang April 30 sa mga lugar na inilagay sa localized ECQ o MECQ.
Gayunman, dapat na mag-operate sa pamamagitan ng videoconferencing hanggat maaari ang mga korte habang pisikal na sarado.
Pinapayagan din na magsagawa ang mga hukom ng fully remote videconferencing hearings sa mga pending na kaso.
Dapat din na may skeleton staff sa mga essential judicial offices para tumugon sa mga urgent matters.
Suspendido naman ang filing at service of pleadings and motions sa nasabing panahon.
Moira Encina