FDA, sinisisi dahil sa mabagal na pag-aksyon ukol sa paggamit ng Ivermectin
Pine-pressure ngayon ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Food and Drug Administration (FDA) na linawin ang ukol sa legal at hindi legal na pagbebenta ng Ivermectin.
Sa panayaam ng Saganang Mamamayan, sinabi ni Congresswoman Bernadette Herrera-Dy na ang Ivermectin ay available na sa ibang bansa at isang essential drug .
Umaasa si Dy na makapagpalabas ng kaukulang guidelines ang FDA para maiwasan ang mga kalituhan.
Kailangan anyang kumilos ang FDA sa lalong madaling panahon para maiwasan ang pag-circulate ng peke, maging ang maling dosage.
Ang Ivermectin ay isang anti-parasitic drug na 40 tain nang ginagamit.
Magpa-file din ng Resolution in Aid of Legislation sina Dy at House Speaker Lord Allan Velasco kaugnay sa isyu.
Julie Fernando