Pamamahagi ng ayuda posibleng palawigin
Hihilingin ng Metro Manila Council (MMC) na mapalawig pa ang araw ng pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng apektado ng Covid-19.
Ayon kay Parañaque city Mayor at MMC Chairman Edwin Olivarez, pag- uusapan ang isyung ito ng Metro Mayors dahil hindi sapat ang 15 araw na palugit ng Department of Interior and Local Government (DILG) para ipamahagi ang ayuda.
May mga lungsod kasi aniya na masyadong malalaki at hindi sapat ang kanilang mga itinalagang pay-out centers para mabigyan ang lahat ng mga beneficiaries.
Katunayan, sinabi ni Olivarez na halos 30 percent pa lang ng mga benepisyaryo ang nabibigyan ng ayuda sa Metro Manila.
Nauna nang itinakda ng DILG hanggang ngayong araw April 15 ang pamamahagi ng ayuda.
Meanne Corvera