Bakit dapat iwasan ang laging pagiinit ng pagkain
Mahilig ba kayong magreplay ng pagkain? ‘Yung ulam nyo kahapon ay ulam ulit ninyo mamayang tanghali at kapag hindi pa naubos ay magiging ulam ulit sa gabihan. May tawag dito, Iyung “pangat” pangatlong init, pangatlong beses na kakainin.
At dahil sa kagustuhan kong lalong maipaliwanag ang ukol dito pati na sa kaugnayan nito sa food poisoning ay kinapanayam natin si Dr. Dex Macalintal, the Nutrition Doctor.
Ang sabi nya ang kalidad ng pagkain ay nasisira, kaya mas mabuting magluto ng sapat lamang, Tingnan Kung gaano karami ang nakokonsumo ng pamilya sa isang kainan. Kapag sumobra ang nilutong pagkain ang tendency ay ipapasok lang sa ref, ilabas kapag iinitin, wala sa loob natin na makapag iimbita na tayo ng micro organism sa kalalabas pasok ng pagkain at kaiinit nito.
Gawin nating halimbawa ang fried rice, kapag di naubos iinitin ulit, wala tayong kamalay malay na kaya pala sumakit na ang tiyan at nagka diarrhea ay dahil sa bacteria mula sa kaiinit ng pagkain.
Samantala, kung sakali expired naman ang nakain, ang sabi nya karaniwang nararamdaman ang pananakit ng tiyan, pagsusuka in 2-3 hours after na makakain ka ng expired na pagkain.
Kapag magpatuloy ang ganitong pakiramdam, magtungo na sa pagamutan, dahil ang kalaban natin ay dehydration.Our body is build for survival kaya ilabas at ilabas ng katawan ang toxins, pero, kailangang mapigilan ang dehydration. Malaking maitutulong ng pag inom ng maraming tubig.
Ang problema kasi sa dehydration ay ang tinatawag na electrolytes imbalance.Pag bumaba ang sodium sa katawan, mas malaking problema.
May binanggit si Dr. Dex ukol SA ORS o oral rehydration solution. Sa isang litrong malinis na pinakuluang tubig, kapag lumamig ay lagyan ng 6 na kutsaritang asukal, kalahating kutsaritang asin. Haluin ngg mabuti. Iinumin ng paunti-unti.
Dagdag pa nya na kapag bumaba ang sodium ay pwedeng mag seizure at mas problema pa. (Ang seizure ay ang biglaan, uncontrolled electrical disturbance mula sa utak. Nagiging sanhi ng pagbabago sa behavior, movements or feelings at maging sa lebel ng consciousness.)
Ang payo ni Doc Dex ngayon panahon ng pandemya kinakailangan ayusin ang ating pagkain sapagkat meron pa rin tayong kinakaharap na pandemya ng lifestyle diseases, mga sakit na nakukuha sa uri ng ating pamumuhay, kasa-kasama ang pagkain, ang ating movement o exercises, stress management at sleep, even ang mga bisyo.
Sa ating mundo ngayon ang problema natin ay gaya ng sakit sa puso, sakit sa bato, sakit sa diabetes, down the line sakit na cancer at stroke ay rampant, kaya kailangan ayusin natin ang ating kinakain, tanggalin ang bisyo, ayusin ang pagtulog, ayusin ang movement para makaiwas tayo sa non communicable disease.