Typhoon Bising, napanatili ang lakas habang kumikilos pa-Silangan ng Sorsogon; 18 lugar nasa ilalim ng Wind Signal
Katamtaman na minsang may kalakasan na pag-ulan ang inaasahan ngayong araw sa Eastern Visayas at Bicol region dulot ng Typhoon Bising.
sa 11:00 severe weather bulletin ng Pag-Asa, huling namataan ang bagyo sa kayong 375 kilometers Silangan ng Juban, Sorsogon o 345 km East ng Virac, Catanduanes.
Taglay ni Bising ang lakas ng hangin na 215 kph at pagbugso ng hanggang 265 kph.
Kumikilos ito pa-Silangan sa karagatan ng Sorsogon.
Nakataas ang Tropical Cyclone wind signal No. 1 sa mga sumusunod:
LUZON: Eastern portion ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, and Masbate including Burias and Ticao Islands
VISAYAS: Biliran, Leyte, Southern Leyte, and the northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) including Bantayan and Camotes Islands
MINDANAO: Dinagat Islands, Siargao Island, at Bucas Grande Island
Signal No. 2 naman sa:
LUZON: Catanduanes
VISAYAS: Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.
Ito naman ang magiging track ng bagyo sa mga susunod na oras