Covid-19 sa cases sa buong mundo, mahigit na sa 140 million; Death toll, lampas 3 million na
Lampas na sa 140 million ang kaso ng Covid-19 sa buong mundo.
Nananatiling ang Amerika ang may pinakamataas na kaso ng at death toll sanhi ng virus infection.
Sa latest data ng Agence France Presse, mahigit na sa 31.5 million ang Covid-19 cases sa Estados Unidos at nasa higit 566,000 na ang namatay.
Sinundan ito ng India na nasa higit 14.5 million ang cases, sumunod ang Brazil na may 13.8 million cases, France na may 5.2 million cases at Russia na may higit 4.6 million cases.
Batay naman sa Johns Hopkins University’s virus dashboard, ang Brazil ay pumapangalawa sa Amerika na may pinakamaraming death toll nasa mahigit 368,000, sinundan ng Mexico na may higit 211,000 deaths, India- higit 175,000 deaths at United Kingdom na may higit 127,000 deaths
Maraming mga bansa ang nakapagtatala ng third wave of infection gaya ng India na muling nagpatupad ng lockdown dahils a muling pagsirit ng mga kaso.
Naitala rin sa India ang nasa 24,000 kaso ng virus infection sa isang araw.
As of April 16, 2021 tally ng AFP, nakapagtala ng bagong 829,596 mga kaso ng Covid-19 sa buong mundo, pinakamataas kumpara noong nakalipas na linggo na 731,000 daily average cases.