Publiko walang dapat na ikatakot sa pagpapabakuna, ayon sa isang eksperto
Hindi dapat matakot sa pagpapabakuna kontra Covid-19 dahil malaki ang maitutulong nito upang ma -proteksyunan ang kalusugan laban sa mapaminsalang virus.
Ito ang binigyang diin ni Dra. Carmela Agustin-Kasala sa panayam ng Health Watch program.
Ayon kay Dra. Kasala, ang mga bakuna kontra Covid-19 ay ligtas at dumaan muna sa masusing pag-aaral ng eksperto kung kaya walang dapat na ipangamba o ikatakot lalong lalo na ang mga Senior Citizen at mga may Comorbities.
Payo pa ni Dra. Kasala sa publiko, hangga’t maaari ay magparegister na sa kani-kanilang barangay na nakakasakop sa kanila.
Muling binigyan- diin ni Dra. Kasala na bagaman may bakuna na o nagpabakuna na hindi pa rin dapat na maging kampante dahil hindi natin nakikita ang kalaban kung kayat mahalaga pa ring sundin ang mga Health at Safety protocol na ipinatutupad tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsusuot ng face shield, paghuhugas ng kamay at physical distancing.
Belle Surara