Mga nabakunahan kontra COVID-19 sa bansa mahigit 1.4 milyon na
Umabot na sa 1 ,456 ,793 indibidwal sa bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Health Usec Myrna Cabotaje, sa bilang na ito 1, 264,811 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Habang ang 191,982 ay nakatanggap naman ng ikalawang dose ng bakuna.
Pinakamarami sa mga nabakunahan na ay sa hanay ng mga healthcare workers o nasa A1 priority group.
Sa sektor din na ito pa lamang may mga naturukan ng pangalawang dose ng bakuna.
Sinundan ng A3 o mga indibidwal na may commorbidity at panghuli ay mga senior citizen o A2.
Ipinaliwanag naman ni Cabotaje na mas mataas ang bilang ng nabakunahan sa A3 kumpara sa A2 ay dahil sa limitadong suplay ng bakuna.
Para sa senior citizens, Astrazeneca vaccines ang itinuturok dahil ito ang pwede sa matatanda pero ubos na ang suplay ng bakuna na ito sa bansa.
Madz Moratillo