Repopulation at Pork Importation patuloy na isinasagawa ng DA
Malaki ang naging epekto ng African Swine Fever o ASF sa hog industry sa bansa .
Sinabi ni DA Asec Noel Reyes na tatlong milyong baboy ang nawala sa bansa dahil sa epekto ng ASF, kung kaya nagsasagawa sila ng repopulation.
Aminado si Reyes na mataas pa rin ang presyo ng baboy kung kaya nagpapasok na ang DA ng baboy mula sa ibang bansa sa mababang taripa at ito naman aniya ay hindi para patayin ang local market industry.
Ayon pa kay Reyes, tuloy tuloy ang pagaalaga ng baboy sa visayas at Mindanao region maging sa ilang bahagi ng calabarzon.
Ang mga nabanggit na lalawigan ang nagpapadala ng baboy sa metro manila.
Sinabi ni Reyes na umabot na sa mahigit na tatlong daang libong mga baboy ang naipadala sa metro manila mula pa noong pebrero a otso.
Binigyang diin pa ni Reyes na ang ginagawang pork importation ay hindi para sa mga importers kundi para sa ating lahat na mga consumer na kumakain ng baboy at higit sa lahat ay para buhayin muli ang industriya ng pag-aalaga ng baboy sa bansa.
Belle Surara